Home » Page 3
Charice Pempengco | Sikat sa Singapore
January 2, 2010Muli na namang bumirit ang ang sikat na pinoy na si Charice Pempenco sa Singapore.
Picture ni BRO ng "May Bukas Pa" Lumantad
December 31, 2009Matapos ang kulang kulang isang taong pamamayag pag ng “May Bukas Pa” ay lumantad na rin ang gumaganap na Bro sa nasabing teleserye. Nag lipana ang mga picture ni Bro sa internet kya naman ito ang mainit na topiko sa buong Piipinas.
Si Love Thadani o nagtago s
a pangalang Bro ng May Bukas Pa ay isang Fil-Indian, modelo at aktor. Matapos ang malawakang pag sikat sa pinoy ng teleseryeng “May Bukas Pa” ay ang mga haka hakang sino ba talaga si bro. Pag sapit ng 7: 45 ng gabi ay ganap na tinutunghayan ang palabas na May Bukas Pa saan man panig ng Pilipinas at sa may mga TFC sa ibang bansa. Dahil sa makabagbag damdaming paganap ni Zaijan sa May Bukas Pa at kinanatatampukan ng mga bigating artista at mga panauhin sa bawat kabanatang natutunghayan ng mga manunuod ay nag kalagay sa kanila upang makamit ang maraming karangalan sa kasaysayan ng telebisyon.
Napatunayan ko lang na sadyang mahirap itago ang pagkakakilanlan lalu nat sikat na sikat. Siya rin ang tinaguriang “star ng pasko”
Sikat na Pinoy | Zaijan Jaranilla
December 30, 2009
Hindi ma pag kakaila ang kasikatan ng batang pinoy na si Santino mula sa teleserye hanggang sa mga awitin. Pag sapit ng 7: 45 ng gabi ay ganap na tinutunghayan ang palabas na May Bukas Pa saan man panig ng Pilipinas ay may mga TFC sa ibang bansa. Dahil sa makabagbag damdaming paganap ni Zaijan sa May Bukas Pa at kinanatatampukan ng mga bigating artista at mga panauhin sa bawat kabanatang natutunghayan ng mga manunuod ay nag kalagay sa kanila upang makamit ang maraming karangalan sa kasaysayan ng telebisyon.
Si Zaijian Jaranilla na ipinanganak noong ika-23 ng Agosto, 2001 o mas kilala bilang Santino mula sa pag-ganap n
ya sa May Bukas Pa; Siya ay nadiskubre ng isang talent manage sa edad na limang taon at nagsimula sa mga patalastas ng Mc Donald’s, Lactum at Tide. Siya ay nag audition sa ABS-CBN ay maswerteng nakapasok bilang isa sa mga tauhan ng Komiks Presents: Tiny Tony. Naging bahagi narin sya ng Goin’ Bulilit. Ngayon ay nasa ilalim parin siya ng ABS-CBN at patuloy sa paganap na Santino ng May Bukas Pa.
Sa kabila ng pagiging sikat, patuloy parin sa pagbatid ng kaligayahan bilang isang ordinaryong bata si Zaijan. Sa mga libre niyang oras ay nag lalaro sya ng PSP o natutulog. Paborito niyang kainin ang spaghetti at Hawaiian-flavored pizza. Sa bahay ay natutulog sya kasama ng kanyang ama at dalawang kapatid. Sa ngayon, mula sa mga kinita niya sa may bukas pa ay nabilhan niya ng 32-inch flat screen TV ang kanyang ama. Higit sa lahat at sa kanyang oras, gusto niyang maging isang ordinaryong bata.
Chihiro Ikeda | Sikat na Pinoy sa Larangan ng Golf
December 26, 2009Isang Pinoy ang nagbigay ng ginto sa Pilipinas sa katatapos lamang na SEA GAmes sa Laos. Siya ay si Chihiro Ikeda na nagbigay daan upang muli nanamang makilala ang Pilapinas sa larong golf. Para sa higit na nakakakilala sa kay Ikeda, handang handa na daw siyang isabak para sa darating na Asian games. Kumpiyansa ang coach ng pambansang koponan ng golf na si Bong Lopez na handa na ang Pilipinas para masungkit ang ginto sa palapit na Asian games. Kabilang si Ikeda na sa itinayong koponan na kasama ang ilang mga batikan at kilalang manlalaro ng golf na sina Louise Manalo Dottie Ardina, Mia Piccio, Sarah Ababa at Louise Manalo. Mula sa kanyang tagumpay at ng kanyang mga kasamang pinay golfer ay nagpapatotoo lamang na sikat ang pinoy sa ano mang klase ng isports sa buong mundo. Para sa kabuuang ulat
Pinoy Power 3 | Donaire vs. Guererro
December 24, 2009Hindi mapagkakaila sa buong mundo na sikat ang pinoy pag dating sa boksing. Kaya naman binanasagan na tayong “dugong madirigma” na pinangungunahan ni Manny Pacquiao. At sa ika-13 ng Pebrero sa taong 2010 at muli na namang sasabak sa boksing ring ang apat na Pinoy upang itaguyod and bandila ng Pilipinas laban sa mga manlalaro ng Puerto Rico at Mexico.
Si “Filipino Flash” Nonito Donaire na kasalukuyang WBA superflyweight interim champion ay lalaban sa beteranong boksingerong mula sa Mexico na si Gerson Guerrero (kasalukuyang kampeon ng North American Boxing Federation). Samantala naman ang batikang si Gerry Penalosa (54-7-2, 36 KOs) ay lalaban kay Eric Morel (41-2, 21 KOs) ng Puerto Rico. Lalaban din si Bernabe Concepcion (27-3-1, 15 KOs) kay Mario Santiago (21-1-1, 14 KOs) ng Puerto Rico at si WBO Oriental super bantamweight champion Ciso Morales laban sa WBO bantamweight champion Fernando Montiel.
Ang Pinoy Power III ay gaganapin sa Las Vegas sa ika-13 ng Pebrero ng 2010 at mapapanood dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng channel na ABS-CBN. Ngayon ay naguumpisa na sa training ang mga pinoy na boksingero bilang paghahanda sa nalalapit na laban. Siguradong umaatikabong bakbakan na naman ito at siguradong mamayagpag ang mga Pinoy dito.
halin salin mula sa laganap.com
Emmanuel Bagual | Bagong Bayani
December 23, 2009
Kamakailan lamang ay tiningala ng buong mundo ang kabayanihan ni
Efren Peñaflorida at ngayon nga ay may isa na namang batang pinoy ang itinuring na bayani ng bansa bunga ng kanyang natatanging kontribyusyon sa karapatang pantao ng mga bata.
Si Emmanuel “Eman” Bagual, labing-anim na taong gulang (16 y.o.) na isa sa nagging finalist ng Nobel Peace Prize Awards for Children’s Rights. Isa rin sa mga naging biktima ng child labor sa bansa subalit ang lahat ng ito ay kanyang napagtagumpayan ng sumali siya sa Club 8586 Inc. noong 2007 na itinatatag ni Bonn Manalaysay. Sa kanyang kapanahunan sa grupong ito ay itinatag niya ang M.Y Rights (Mind Your Rights) na kung saan ay naglalayong magbigay kaalaman sa mga bata at mga magulang tungkol sa karapatan at pribilehiyo ng mga bata. Nilibot niya ang ibat-ibang pampublikong pampaaralan upang ipalaganap angmga impormasyon patungkol sa karapatang pantao ng mga bata.
Bagaman hindi nya lubusang nakamit ang pinakamataas na karangalan sa Nobel Peace Award, isang malaking karangalan na ring maiituring ang mapabilang sa linya ng mga bayani sa buong mundo. Patunay lang ito na tayong mga Pilipino ay may likas na dugong bayani.
artikulo mula sa: sikat ang pinoy
Pinoy sa Laranggan ng Kompyuter
December 22, 2009
Sikat sa ating mga pinoy ang pag lalaro ng warcraft (DotA). Maging saan mang paning ng Pilipinas o kahit pa sa buong mundo. Nag simulang lumaganap ang DotA nung taong 2005 at hanggang ngayon at talaga namang patok parin sa mga pinoy.
Kung atin namang susulyapan ang inpluwensa ng DotA sa mga Pinoy at maari kong ipagmayabang sa buong mundo. Mula sa kantang hinango sa Dota at hangang sa manlalarong Pinoy na di papatalo sa ibang bansa.
Ang garena ay ang nag bibigyan daan upang makalaro nang Dota ang iba pang manlalaro na mula sa iba’t ibang paning nang mundo. Bagaman hindi natin orihinal na pag aari ang nasabing laro ay hindi naman nawala ang pinoy sa pandaigdigang rango.
Bilang manlalaro ng DotA at isang Pinoy at pinagmamalaki ko ang ating lahi lalu na pagdating sa mundo ng computer. Sa talaga lang noon pa ay bilib na ako sa kakayahan ng pinoy pagdating sa computer. Isa na dito ang nag programa ng Love Virus at mga pilipinong sumasali sa mga patimpalak kalakip ng buong mundong manlalaro. Isa narito ang Ran Online, sa nakaraang RAN Global Tournament 2007 na nilahukan ng walong bansa kasama na ang: Pilipinas, Thailand, Indonesia, Malaysia, Korea, Taiwan, Vietnam at Hongkong. Kung kaya’t nung nakaraang taon ay binigay sa ating bansa ang karangglan na maging host ng nasabing paligsahan.
Kaya kung isa ka mang manalalaro ng aking mga nabanggit – Ipagmalaki mo ang iyong lahi. Sikat tau kasi. Sikat ang Pinoy
Pinoy Ka! | Palaganapin ang iyong kultura!
December 21, 2009Mlaliit lang ang bansa ngunit hindi kailanman naging hadlang ito para sa ating mga adhikain. Sa bawat parte ng mundo ay tila kuliglig na humuhuni ang ating katanyagan. Hindi mapagkakaila sa laranggan may ng sports o sa panahon ng unos. Napakadami ng Pinoy na nakilala sa ibat ibang kadakilalan na dapat at kailangan nating ipagmalaki. Tayo ay pinagkalooban ng mga magagandang tawanin, mabuting kalooban at higit sa lahat maunlad na kultura. Sa papanalita pa lamang at sa kahusayan kita mo na na talagang may sarili tayong atin. Ako mismo ay bilib sa ating lahi na kahit samut-sari pang problema ay wala nating takot na napapagtagumpayan. Kaya nga nais kong ipabatid kalakip ng blog na ito ang kung ano ba talaga ang pinoy. Pinoy na di sumusuko, Pinoy na may likas na mabuting kalooban, Pinoy na may dugong mandirigma na kayang sagupain ang anu mang unos, at my taglay na kagalangan at kahusayan.
Napasin ko kung paano na dominado ng Ingles ang buong Internet kung kayat sa pagkakataong ito ay ginamit ko ng buong puso ang aking sariling linguwahe upang sa ganoon at higit pa itong mapagyaman. Sa isang banda, hindi rin naman ito lubos na kahinaan dahil sa katunayan maging ang mga Ingles at iba pang rasa ay nagbibigay pugay man sa ating kadakilaan. Marami na at marami pang mga Pilipino ang mga papalaganap ng ating sariling dugong Pilipino saan man dako ng mundo.
Kaya naman binigyan ko ng buhay ang blog na ito upang kilalanin ng mundo ang ating kultura higit pa sa kasalukuyan. Dito ay aking sariling hahagilapin kung anut anu pa ang mga kontribusyon ng mga Pilipino hindi lamang sa kanyang bansa kundi sa buong mundo. Nais ko din ilakip ang mga kakaibang konsepto ng mga Pilipino mula sa isip, sa salita, at sa gawa. Mabuhay tayo. Mabuhay ang Pinoy!


